Naaresto na ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang “high-value drug personality” sa Taytay Rizal, kaninang umaga.
Dinakip ang drug suspect na si alias Ali, 53, residente ng Bagong Sibol Street, Barangay San Juan, Taytay Rizal sa ikinasang buy-bust operation ng magkasanib na pwersa.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang humigit-kumulang 500 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.
Kasong paglabag sa Section 5 ng Article II ng Republic Act No 9165 o mas kilala bilang Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng PDEA laban sa nahuling drug personality. | ulat ni Rey Ferrer