Pinaiigting ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang diplomatic engagement at international collaboration nito, upang malamanan ang mga krimen sa bansa, lalo na iyong mayroong international criminal syndicate involvement.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PAOCC Usec Gilbert Cruz na maganda ang ugnayan ng Pilipinas sa international law enforcement communities.
“Maganda po iyong coordination natin sa international law enforcement communities.” -Cruz.
Katunayan aniya, sa bawat POGO hub na sinalakay ng PAOCC, lagi silang nakahuli ng mga wanted person, dahil sa ugnayang ito.
“In every POGO hub na niri-raid po natin, lagi po tayong nakakahuli ng mga wanted persons – minsan siyam, anim, labing-isa – so, marami na po kaming nahuling mga wanted persons.” -Cruz.
Bukod dito, tuwing mayroon aniya silang pinapa-verify sa InterPol, nagiging madali ang paglalabas ng warrant, laban sa isang indibidwal.
“At maganda po iyong coordination natin with Interpol at every time na mayroon po kaming pinapa-check, automatic po madali po nilang nilalabas na may warrant po iyong isang tao.” -Cruz.
Ang nakakalungkot lang aniya sa usaping ito, tila ang Pilipinas ang nagiging taguan ng mga wanted person, lalo na iyong involved sa POGO hubs.
“So, iyon nga medyo nakakalungkot lang dahil iyong POGO operations dito o iyong Pilipinas po nagiging taguan na rin po ng mga wanted persons lalo na po sa mga POGO hubs.” -Cruz. | ulat ni Racquel Bayan