Hindi pa gaanong ramdam ang bugso ng mga motoristang bumibyahe pabalik ng Metro Manila matapos ang Holiday Season.
Normal pa kase ngayong umaga ang daloy ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway.
Batay sa monitoring ng NLEX-SCTEX, as of 10am ay maluwag pa at tuluy tuloy ang daloy ng mga sasakyan sa Balintawak Toll Plaza, at RFID lanes sa Mindanao Toll Plaza, Bocaue at Karuhatan Toll Plaza.
Light traffic din ang umiiral sa Maycauayan, San Fernando Northbound at Southbound at sa iba pang bahagi ng NLEX-SCTEX kabilang ang toll plazas and interchanges
Una nang nagabiso ang NLEX sa posibleng pagbigat sa trapiko sa expressway mula Jan 3 hanggang umaga ng Jan 6. | ulat ni Merry Ann Bastasa