Landbank, nanatiling top GOCC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling kinilala ang Land Bank of the Philippines (Landbank) bilang nangungunang government-owned and controlled corporation (GOCC) sa ikalawang sunod na taon, matapos itong makakuha ng pinakamataas na marka para sa corporate governance noong 2023 mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG).

Nakamit ng Landbank ang hindi pangkaraniwang rating na 104% sa Corporate Governance Scorecard (CGS) ng GCG, na lumampas sa pinakamataas na marka na 100 porsyento.

Ang CGS ay isang tool para sukatin ang mga gawi sa corporate governance ng mga GOCC gamit ang metodolohiyang alinsunod sa mga pandaigdigang pamantayan.

Ayon kay Landbank president at CEO Lynette Ortiz, ang pagkilalang ito bilang nangungunang GOCC sa corporate governance ay sumasalamin sa matibay na dedikasyon ng Landbank sa transparency, pananagutan, at kahusayan sa serbisyo publiko.

Aniya, higit pa nilang pinapalakas ang hangaring itaguyod ang isang kultura ng mabuting pamamahala, upang manatili ang LBP bilang maaasahan at pinagkakatiwalaang katuwang sa pagsusulong ng pag-unlad ng buong bansa.

Pinuri rin ang bangko para sa mataas nitong marka sa seksyong “Responsibilities of the Board” ng Corporate Governance Scorecard at para sa pagsunod nito sa Global Reporting Initiative (GRI) Standards sa Sustainability Reporting mula 2021 hanggang 2023.

Nitong nakalipas na 2024, nag-remit ang bangko ng rekord na P32.119 bilyon na cash dividends sa pamahalaan – ang pinakamataas sa kasaysayan ng bangko at sa lahat ng GOCC – upang suportahan ang mga prayoridad na proyekto sa imprastraktura at mga programang pang-sosyo-ekonomiko ng bansa. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us