Siniguro ng mga local airlines ang kanilang kahandaan sa inaasahang volume ng mga pasahero pabalik sa manila mula sa kanilang baksyon sa probinsiya.
Ang grupo ng AllStars ng Air Asia Philippines ay nananatiling nakalerto at naka-standby sa mga pangunahing paliparan upang matiyak na tuluy-tuloy ang mahusay karanasan sa paglalakbay para sa lahat ng mga pasahero.
Simula pa umano kahapon ay nagkaroon ng mataas na bilang ng mga pasahero ang bumalik sa manila mula sa bakasyon.
Ayon sa Air Asia, mula Disyembre 16, 2024, hanggang Enero 6, 2025, umabot sa mahigit 400,000 pasahero, ang napagsilbihan ng Airlines kung saan nahigitan ang dating 300,000 para sa kaparehong panahon sa paglalakbay.
Inaasahan anya ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa mga check-in counter hanggang ika-10 ng Enero, dahil sa maraming mga kababayan ang nag-extend ng kanilang holiday leave para mas maraming oras na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa mga probinsya. | ulat ni Lorenz Tanjoco