Photo courtesy of Land Transportation Office
Palalakasin pa ng Land Transportation Office ang maayos na pagpapatupad ng batas sa transportasyon partikular sa Quezon City .
Ito’y matapos maghayag ng kahandaan ang Quezon City Police District na tulungan ang LTO.
Nagpulong na sina LTO Chief Vigor Mendoza at QCPD Acting Director P/Col Melecio Buslig Jr. kasama ang iba pang opisyal para sa mas maigting na kampanya.
Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng teamwork sa pagitan ng LTO at QCPD sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at pagpapabuti ng pagpapatupad ng batas sa transportasyon. | ulat ni Rey Ferrer
