Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang bahagi ng Sarangani, Davao Occidental bandang alas 6:30 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa layong 166km timog silangan ng Balut Island.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 160 kilometro sa lupa.
Wala namang inaasahan aftershocks kasunod ng lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa