Mahigit 1,000 car dealers, nabigyan ng show cause order ng LTO noong 2024 dahil sa hindi pagpaparehistro ng mga bagong biling sasakyan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng mahigit 1,000 show cause orders (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) noong 2024.

Ito ay para sa mga dealer ng sasakyan na hindi nagparehistro ng mga bagong biling sasakyan sa tamang panahon.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, malinaw sa Citizen’s Charter ng ahensya na dapat maiparehistro ang mga bagong biling sasakyan sa loob ng pitong araw matapos ang transaksyon sa dealership.

Aniya, may ibang dealer na isinisisi pa sa LTO ang problema.

Sa mga inisyung SCO, 21 dealers na ang napatunayang nagpabaya at pinatawan na ng multa. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us