Photo courtesy of PDEA
Mahigit ₱8.7 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nadiskubre ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa isang abandondong sasakyan sa Santol, La Union.
Sa ulat ni PDEA Regional Office 1 Regional Director, Joel Plaza, iniwan ang sasakyan nang maramdaman ng mga sakay nito na isinailalim sila sa land interdiction ng PDEA agents noong Enero 10, 2025.
Matapos makakuha ng search warrant, nabuksan ang sasakyan na Mitsubishi Delica at nakita ang mga nakarolyong 73 kilo ng marijuana.
Nakilala din ang mga sakay ng sasakyan na sina Felmen Day-os Aliles Jr., alyas Dondon; at Amado Paycao alyas Amado Gante Jr.,mga residente ng barangay Sasaba, Santol, La Union, at kasalukuyang at-large.
Kakasuhan ang mga responsable dahil sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Rey Ferrer