Mahigit P4-M halaga ng ‘kush’, nasabat sa Caloocan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang 2 High Value Individuals (HVI) habang aabot sa P4.4 milyong halaga ng ‘kush’ o high grade marijuana ang nasabat sa ikinasang operasyon sa Caloocan City.

Batay sa ulat ni NPD Acting Director, Police Colonel Josefino Ligan sa Kampo Crame, isa sa mga hindi pinangalanang suspek ay 21 anyos na lalaki na nakatira sa Deparo habang ang isa naman ay 27 anyos na lalaki rin na taga-Brgy. 175.

Nakuha sa nasabing operasyon ang nasa mahigit 36 na kilo ng hinihinalang marijuana kasama na ang ‘kush’ na may street value na P4,453,600.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Caloocan City Police ang dalawang naarestong drug suspek, na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us