Pinalawig pa hanggang January 14 ang pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Ito ay tugon sa mataas na demand ng publiko na palawigin pa ang pagpapalabas ng mga lokal na pelikulang tampok sa naturang festival na dapat sana ay magtatapos na bukas.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman and concurrent MMFF overall Chairman Atty. Don Artes, lubos ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga manonood sa ika-50 taon ng MMFF.
Maaari pa ring magamit ang mga MMFF complimentary passes sa mga piling sinehan hanggang sa January 14.
Inaasahan din ng MMDA na patuloy na tataas ang kita ng MMFF 2024 dahil sa pinalawak na pagpapalabas ng mga pelikulang kalahok dito. | ulat ni Diane Lear