Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maalis ang mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng unprogrammed appropriation, para sa susunod na taon.
Sa ganitong paraan, ayon sa Pangulo, bibilis ang pagtanggap ng benepisyo ng mga nangangailangang Pilipino.
“DSWD programs should no longer [be] in the unprogrammed appropriation next year.” —Pangulong Marcos.
Sa pulong sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo na dapat na nakapaloob na sa programmed appropriations ang lahat ng programa bg tanggapan.
“Dapat nandyan na (programmed) para mabilis mapakinabangan.” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, ang DSWD budget ay nabawasan nang ₱10.85 billion o 4.79% mula sa ₱226.67 billion na nakapaloob sa 2025 National Expenditure Program (NEP).
Naging ₱215.72 billion na lamang ito.
Una na ring humiling ng ₱41.8 billion na additiobal funding ang DSWD mula sa Unprogrammed Appropriations upang ma-cover ang 4Ps grants para sa August at hanggang December 2025. | ulat ni Racquel Bayan