Handang umagapay ang Department of Agriculture sa mga magsasakang apektado ng mga pag-ulang dala ng shear line, ITCZ at pati na ng amihan.
Batay sa pinakahuling assessment ng DA, aabot na sa P14.42-M ang halaga ng pinsala sa mga palayan, maisan, high value crops, at farm structures sa Western Visayas at Soccsksargen.
Katumbas ito ng 139 metriko tonelada (MT) at 965 ektarya ng agricultural areas.
Kabilang din sa apektado ang 1,379 na mga magsasaka.
Nakikipagugnayan naman na ang DA sa mga regional office para sa interventions sa mga apektado.
Kabilang dito ang pamamahagi ng agri inputs, Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), Quick Response Fund at Indemnification para sa insured affected farmers sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). | ulat ni Merry Ann Bastasa