Nananatiling matumal ang dating ng mga bus sa BFCT Marikina City ngayong unang araw ng trabaho matapos ang Pasko at Bagong Taon.
Ayon sa ilang mga dispatcher na nakausap ng Radyo Pilipinas, ito’y dahil sa naiipit ang mga papauwing pasahero sa pantalan buhat sa pinanggalingang lalawigan gaya ng Iloilo.
Gayunman, mula pa kaninang madaling araw ay mangilan-ngilang bus na rin ang dumating para magbaba ng pasahero lalo na iyong mga nagmula pa sa Iloilo, Aklan, at Mindoro.
Habang may ilan namang bus ang nalilipat sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil doon karamihan bababa ang mga pasahero.
Karamihan sa mga bumababa ay iyong mga nakatira sa malalapit lamang sa BFCT gaya ng Rizal, Marikina, Quezon City, at Pasig.
Sa kabila ng pagdating ng mga pasahero mula sa mga lalawigan, tuloy-tuloy naman ang biyahe ng ilang mga bus palabas ng Metro Manila. | ulat ni Jaymark Dagala