Nakuhang submarine drone sa karagatang sakop ng Masbate, nagmula sa China — PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Police Regional Office 5 o Bicol PNP na nagmula sa China ang nakuhang submarine drone sa karagatang sakop ng San Pascual sa lalawigan ng Masbate.

Ayon ito kay Bicol PNP Director, Police Brig. Gen. Anre Dizon batay sa inisyal na imbestigasyong kanilang ginawa kung saan, may nakitang Chinese markings sa naturang drone.

Nabatid na ginagamit ang HY-119 drone submarine na magsagawa ng communication, underwater surveillance, oceanographic research, at Naval operations.

Mayroon din itong frequency hoping capability upang hindi madaling ma-detect saan man ito magpunta.

Magugunitang dinala ng tatlong mangingisda ang naturang drone submarine sa himpilan ng Pulisya matapos itong makuha habang namamalakaya sa karagatang sakop ng Brgy. Iniwaran noong December 30.

Ayon kay Dizon, nai-turnover na nila sa Philippine Navy ang naturang drone submarine upang isailalim sa masusing pagsusuri. | ulat ni Jaymark Dagala

📸 PRO-5

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us