Malaki ang tiyansa na nagsasagawa ng intel gathering ang China sa loob ng ating katubigan.
Ito ang tinukoy ni Quad Committee lead Chair Robert Ace Barbers matapos matuklasan ang underwater drone ng Chinese military sa San Pascual, Masbate nitong Lunes.
Isa aniya sa posibilidad ay pangangalap ng datos ukol sa Deuterium na gamit sa mga prototype fusion reactors.
Sinasabing sagana ang eastern seaboard ng Pilipinas dito.
“With the growing global race to find renewal sources of fuel or energy like deuterium, which reportedly is found abundant in the deep seas in the country’s eastern seaboard, it is not farfetched that China also wanted to get a hand on it,” ani Barbers
Kaya mahalaga ani Barbers na makapagtatag sana ng naval facility sa eastern seaboard ng bansa upang mabantayan ito sa panghihimasok ng ng dayuhan.
Bukas aniya ang Surigao del Norte na pagtayuan ng EDCA site dahil may ‘strategic advantage’ ang kanilang probinsya dahil sa nasa dulo ito ng Mindanao na nakaharap sa dagat Pasipiko at may ruta papuntang west Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Forbes