Nasa 100 tauhan ng EPD, isinailalim sa Drug Test

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng isang surprise drug test ang pamunuan ng Eastern Police District (EPD) sa nasa 100 tauhan nito.

Kasabay ito ng isinagawang ‘talk to men’ ni EPD Director, Police Colonel Villamor Tuliao, bilang bahagi ng kanilang pambungad na aktibidad ngayong 2025.

Ayon kay Tuliao, bahagi ito ng kanilang internal cleansing strategy para sa bagong taon upang magsilbing mabuting halimbawa sa kanilang nasasakupan.

Nabatid na kabilang sa mga sumailaim sa drug test ang 21 Police Commissioned Officers, 69 Non-Commissioned Officers at 10 Non-Uniformed Personnel ng EPD.

Bukod sa drug test, ipinabatid din ni Tuliao sa mga tauhan nito ang mga disciplinary concerns buhat sa National Capital Region Police Office (NCRPO), at iba pang mga update kaugnay ng peace and order situation sa kanilang area of responsibility. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us