National Immunization Program ng DOH Caraga, muling umarangkada sa Butuan City at rural health units sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Libreng bakuna ang handog ng Department of Health (DOH) Caraga ngayong buwan ng Enero. Maaari itong ma-avail ng bawat indibidwal na may edad 18 pataas, kung saan prayoridad ang mga senior citizen.

Mayroong pneumococcal vaccine para sa mga senior citizen, flu vaccine, at HPV o Human Papilloma Virus Vaccine para naman sa mga batang babaeng siyam na taong gulang.

Sa inisyal na record ng DOH Caraga, hindi bababa ng 125 katao ang nagpabakuna sa unang araw ng ‘Big Catch-up’ Vaccination na sinimulan kahapon.

Pero sa kabuuan, mula pa nung inilunsad ang Big Cath Up noong November 2024, naitala ng DOH Caraga na halos 10,000 na ang nabakunahan ng flu vaccine; 4,964 dito ay mga senior citizen, mahigit 1,000 ang mga healthcare worker, at halos 4,000 ang non-senior citizen.

Walang ano mang hinihinging requirements maliban sa ID.

Kaya’t panawagan ni Dr. Karen Mae Durac, Medical Office IV-Adult Health Cluster Head ng DOH Caraga, magpabakuna na. Wala aniyang dapat ipangamba dahil safe o ligtas ang naturang mga bakuna.

Pahayag pa nito, importanteng may dagdag na proteksyon upang hindi madaling mahawahan o kaya’y may immunity laban sa trangkaso. | ulat ni May Diez, Radyo Pilipinas Butuan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us