Mahigit 800 na qualified registered boat owners sa Navotas ang pagkakalooban ng libreng lambat ng Navotas City Agriculture Office.
Sa abiso ng Navotas City Local Government, matatanggap ng mga mangingisda ang libreng lambat sa Enero 15 ng umaga.
Gagawin ang pamamahagi nito sa Navotas Sports Complex.
Bago ang nasabing schedule, kailangan munang kunin ng mga benepisyaryo ang kanilang claim stub sa City Hall ng Navotas mula Enero 9-10.
Kailangan lamang ng mga boat owners na dalhin ang kanilang requirements , tulad ng Updated Permit to Operate at Certificate of Number para makakuha ng libreng lambat. | ulat ni Rey Ferrer
📷Maritime Fairtrade Org