Pinuri ni NBI Director, Judge Jaime B. Santiago ang mga tauahan nito dahil sa mabilis na aksyon sa isang reklamo patungkol sa mga for sale umanong posisyon sa pamahalaan.
Partikular na pinuri ni Santiago ang mga operatiba ng Special Task Force at Cybercrime division.
Ayon kay Santiago Dec. 29, 2024 natanggap ng kanyang mga tauham ang reklamo hinggil sa nagbebenta ng posisyon sa gobyerno at dahil sa mabilis na aksyon ay January 2 ay nakapag-kasa na agad ang mga ito ng isang entrapment operation.
Agad nasakote ng mga operatiba ng NBI ang anim na indibidwal at ngayon ay nahaharap sa patong patong na kaso.
Paliwanag ni Santiago, na hindi kailan man naging for sale ang posisyon sa pamahalaan. | ulat ni Lorenz Tanjoco