Pansamantalang ipinatigil ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprenta ng balota ba gagamitin sa 2025 Midterm elections.
Sa inilabas na desisyon ng COMELEC, sinabi nitong kailangan muna nilang baguhin ang database ng mga kandidato matapos maglabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema na pumapabor sa limang kandidatong idineklara nilang nuisance at disqualified candidates.
Inaatasan din sila ng Korte Suprema na isama ang limang kandidato sa balota.
Dahil dito, posibleng ulitin ng Komisyon ang pag-iimprenta ng balota. | ulat ni Mike Rogas