Magtutuloy-tuloy ang air at sea patrolling ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito’y sa kabila ng pananatili ng tinaguriang ‘monster ship’ ng China Coast Guard na may bow no. 5901 sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa malapit sa Zambales na bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, RAdm. Roy Vincent Trinidad, nakabahala ang anumang uri ng panghihimasok sa alinmang katubigang sakop ng PIlipinas.
Kasunod nito, iginiit ni Trinidad na ang presensya ng ‘monster ship’ ng China ay iligal at hindi nararapat na nasa karagatang nasa ilalim ng pamamahala ng Pilipinas.
Nauna rito, tiniyak ng National Security Council (NSC) na handang umaksyon ang pamahalaan sakaling magpakita ng anumang “provocative action” ang naturang ‘monster ship’. | ulat ni Jaymark Dagala