Patuloy ang beripikasyon ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) sa mga kandidato sa Halalan 2025 na posibleng sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay PDEG Spokesperson Police Lieutenant Dhame Malang, maingat ang kanilang ahensya sa proseso ng validation sa mga kandidato na naiuugnay sa droga.
Paliwang ni Malang, normal lamang ang mga akusasyon at paninira tuwing may halalan kaya’t kailangan nilang magsagawa ng masusing pagsusuri.
Tiniyak ng PDEG, na magiging tapat sila sa kanilang mandato na puksain ang iligal na droga at ipapaabot sa publiko ang mga resulta sakaling makumpirma ang mga intelligence report na natanggap nila. | ulat ni Diane Lear