Walang patid ang pamamahagi ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo noong nakaraang taon.
Ayon sa PRC, umabot na sa P38.4 milyon ang halaga ng relief at livelihood assistance na naibigay ng PRC sa mga biktima ng bagyong Carina.
Mahigit P17 milyon sa naturang halaga ang inilaan para sa livelihood assistance ng nasa 1,000 pamilya sa mga lalawigan ng Tarlac at Bulacan.
Sinabi ni PRC Chairman Richard Gordon na patuloy ang kanilang pagtulong sa mga komunidad na nasalanta ng bagyo kahit mahigit anim na buwan na ang lumipas mula nang tumama ang bagyong Carina.
Ngayong araw tumanggap din tig-P9,000 na tulong pinansyal ang mahigit 600 benepisyaryo mula sa Moncada, Tarlac, at Hagonoy, Bulacan.
Bukod sa cash assistance, namahagi rin ang PRC ng mga hygiene kit, school kit, at food pack sa mga nasalanta. | ulat ni Diane Lear