Inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli M. Remolona Jr., na bagama’t nasa mas matatag na kalagayan na ang ekonomiya ng Pilipinas kinakailangang maghanda ang bansa para sa hindi pangkaraniwang “uncertainties” o kawalang-katiyakan dulot ng global challenges.
Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni Remolona na ang mga hamong ito ay may kaugnayan sa mga patakaran ni US President-elect Donald Trump, kabilang ang mga mas mahigpit na patakarang pangkalakalan na maaaring makaapekto sa pandaigdigang inflation at paglago ng ekonomiya.
Anya, nananatili ring hamon ang financial inclusion sa kabila ng pag-usad natin sa digitalization.
Ayon pa a BSP chief, bagaman nasa matatag na kalagayan ang ekonomiya kailangan pa rin na maging maingat sa pagtugon sa mga hamon gaya ng pagsugpo sa inflation at pagpapalawak ng financial inclusion, upang mapanatili ang matatag na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz Reyes