PNP, tiniyak ang mahigpit na seguridad para sa Translacion 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng security measures para sa Translacion ng Poong Hesus Nazareno sa Maynila.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, nakipag-ugnayan na ang PNP sa mga local government units, religious organizations, at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno para sa comprehensive security plan.

Handa na rin aniya ang Specialized Units ng PNP na bihasa sa crowd control maging ang PNP Intelligence Group at Anti-Cybercrime Group, para magbantay sa anumang posibleng banta sa seguridad.

Bukod dito ang paglalatag din ng Medical Teams at Quick-Response Unit ng PNP sa mga estratehikong lugar.

Samantala tutulong naman ang PNP-Highway Patrol Group sa local traffic enforcers para mamahala sa daloy ng trapiko at rerouting ng mga sasakyan.

Kaugnay nito, hiningi ng PNP ang kooperasyon ng publiko na sundin ang security protocols, kabilang ang pag-iwas sa pagdala ng mga matutulis na bagay at ang pagdadala ng backpacks. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us