Naniniwala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director Police Brigadier General Anthony A. Aberin na ang naging susi sa tahimik at maayos na selebrasyon ng holiday season ay ang nakikitang pulis ng publiko.
Paliwanag ni Aberin, na ang libo-libong pulis na pinakalat sa Metro Manila ay itinalaga sa mga istratehikong lugar para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Bunsod aniya nito ay malaki ang ibinaba ng bilang ng nga insidente ng krimen, at hindi magandang mga pangyayari nitong nagdaang holiday season.
Dagdag pa ng heneral, na nagpatuloy din ang iba’t ibamg anti crime operations ng kapulisan sa kabila ng mga kasiyahan nung panahon ng kapaskuhan, kung saan nakiisa din aniya ang mga miyembro ng komunidad. | ulat ni Lorenz Tanjoco