Pulis, sugatan matapos ang tangkang pananambang sa kaniya ng 2 kilabot na kriminal sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang dalawang kilabot na kriminal matapos mauwi sa engkuwentro ang pagtatangka nilang pagpatay sa isang pulis sa mismong bisperas ng Bagong Taon.

Batay sa kuha ng CCTV na inilabas ng Brgy. Ayala, lumapit ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo sa kinatatayuan ni PMSgt. Ryan Mariano na nakatalaga sa City Drug Enforcement Unit.

Pero agad nakatunog ang pulis na tatambangan siya kaya’t inunahan na niya ang mga suspek na nagresulta naman sa agad na pagkasawi ng isa habang sa ospital na nalagutan ang isa pa.

Sa panayam kay Zamboanga City Police Office Chief, PCol. Kimberly Molitas sa Kampo Crame, nabatid na ang dalawang suspek ay matagal nang tinutugis ng mga awtoridad dahil sa iba’t ibang kaso kabilang na ang iligal na droga.

Kasalukuyan namang nasa ligtas nang kalagayan ang biktima na si PMSgt. Mariano, at nakatakdang gawaran ng parangal ng Police Regional Office 9 dahil sa kaniyang tapang at dedikasyon sa pagtupad sa tungkulin. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us