SEA Games gold medalist Mervin Guarte, patay matapos saksakin sa Calapan, Oriental Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasawi ang 32 taong gulang na South East Asian Games gold medalist na si Mervin Guarte matapos siyang saksakin sa Calapan City, Oriental Mindoro kaninang alas-4:30 ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Oriental Mindoro Provincial Police Office, natutulog si Guarte sa bahay ng isang barangay kagawad sa Barangay Camilmil nang pasukin ng isang lalaki at saksakin sa dibdib.

Nakatawag pa ng tulong ang atleta at naisugod sa ospital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Si Guarte ay miyembro rin ng Philippine Air Force at naka-destino sa Fernando Airbase sa Lipa, Batangas.

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Philippine Sports Commission sa pamilya ni Guarte.

Nabatid na si Guarte ay kampeon ng 2024 Spartan Asia Pacific SEA Games gold medalist, 2-time SEA Games silver medalist, at national record holder sa larangan ng athletics. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us