Isinusulong ni Senador Risa Hontiveros na magkaroon ng Senate inquiry tungkol sa nakaambang pagtataas ng premium contribution ng mga Social Security System (SSS) members ngayong taon.
Sa inihaing resolution 1269 ni Hontiveros, binigyang-diin nito ang pangangailangan na ipagpaliban ang contribution hike.
Ayon sa senador, sa financial position ngayon ng SSS ay kaya nitong ipagpaliban ang contribution hike at nariyan rin naman aniya ang national government para tumulong dito.
Nagbabala ang mambabatas na ang pagpapatupad ng contribution hike ay magpapalala lang sa pinansyal na pasanin ng mga ordinaryong wage earners at mga middle class.
kaya naman, hindi na muna aniya dapat ipatupad ang SSS contribution hike habang pinag-aaralan pa kung paanong mababalanse ang interes ng mga ordinaryong manggagawa at acturial life ng SSS. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion