Ang Shear Line ay nakaapekto sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, habang ang Northeast Monsoon o Amihan ay nakaapekto sa Northern at Central Luzon. Sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Quezon, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat dulot ng Shear Line, na posibleng magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.
Sa Cagayan Valley, Cordillera, at Central Luzon, maulap ang kalangitan na may mga pag-ulan dulot ng Amihan, na maaari ring magdulot ng pagbaha o landslide.
Sa Metro Manila, Ilocos Region, at iba pang bahagi ng CALABARZON, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan.
Sa natitirang bahagi ng bansa, maulap na kalangitan na may isolated thunderstorms ang inaasahan, na posibleng magdulot ng biglaang pagbaha o pagguho ng lupa. Maging maingat sa maalon hanggang napakaalong katubigan sa hilaga at
silangang bahagi ng Luzon at Visayas. | ulat ni Emmanuel Bongcodin | Radyo Pilipinas Albay