Target ngayon ng Subic Bay Metropolitan Authority na dumami pa ang cruise ship arrivals sa freeport ngayong taon.
Ito ang inihayag ni SBMA Port Operations Senior Deputy Administrator Ronnie Yambao sa ginawang pagwelcome ng SBMA sa kauna unahang pagdaong ng luxury cruise ship na MV SIlver Dawn sa Subic.
Ang MV Silver Dawn na bahagi ng prestiyosong Royal Carribean Group ay dumaong sa bansa noong December 31 lulan ang mahigit na 1000 mga pasaherong turista.
Ayon kay Yambao, bilang siya ang Chairperson ng SBMA Cruise Ship Industry Committee, hangad niyang maabot ang dalawampung cruise ship arrivals ngayong taon.
Sa ngayon aniya, may mga nagkumpirma na ng kanilang pagdating sa bansa, kabilang dito ang MV Blue Dream Star na dadating sa Abril, Mayo at July, at ang Viva Vie Odyssey sa September.
Sa ngayong patuloy ang pakikipag ugnayan ng SBMA sa Department of Tourism sa pagpapalago ng Subic Bay Cruise Ship tourism. | ulat ni Melany Reyes