Taxi driver, tiklo dahil sa bitbit na illegal na droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Himas rehas ang isang taxi driver makaraang mahulihan ng P680,000 na halaga ng umano’y shabu at hindi lisensiyadong baril sa kasagsagan ng anti-criminality operation ng mga operatiba ng Muntinlupa City Police Station – Intelligence Section sa Old City Terminal, Barangay Alabang, sa lungsod ng Muntinlupa.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Esteban, 44-anyos, na inaresto bunsod ng intelligence reports na may armadong indibiduwal sa lugar.

Nakumpiska sa gitna ng operasyon ang 100 gramo ng hinihinalang shabu, isang .38 caliber revolver, at apat na bala.

“This successful operation demonstrates our continued commitment to eliminating illegal drugs and removing unlicensed firearms from our communities. We will remain relentless in our efforts to ensure the safety of our citizens,” sabi Southern Police District Chief Brigadier General Manuel Abrugena.

Hawak na ngayon ng Muntinlupa PNP ang suspek, at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us