Dinagsa ng libu-libong katao ang isinagawang Traslacion 2025 sa imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Davao Region, Huwebes ng umaga.
Unang nagsimula ang Traslacion 2025 sa Sagrado Corazon De Nazareno sa Tagum City, Davao del Norte bandang alas-5:00 ng umaga.
Aabot sa 1,000 ang mga dumagsa na mga deboto kung saan nag-ikot ito sa ilang daan sa nasabing lungsod.
Sumunod naman ang Black Nazarene Chapel sa New Lanzona Subdivision, Matina, Davao City bandang alas-6:00 ng umaga.
Aabot sa 400 na mga deboto ang nakilahok sa nasabing prusisyon kung saan nilibot nito ang ilang lugar sa Matina.
Pagkatapos nito ang Traslacion sa San Alfonso Maria de Liguori Parish sa Barangay Mandug papuntang Our Lady of Peñafrancia sa Deca Homes, Barangay Tigatto sa Davao City bandang alas 8:30 ng umaga.
Tinatayang umabot sa 700 na mga deboto ang lumahok at dumagsa sa nasabing religious activity.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang misa sa Our Lady of Peñafrancia Chapel hanggang mamayang alas-6:00 ng gabi. | via Armando Fenequito | RP Davao
📸 Guys Frendzy