Mariing itinanggi ng Zamboanga City Police Office ang ulat ukol sa umano’y kidnapping ng isang Japanese national sa lungsod.
Sa impormasyong ipinabatid ng Zamboanga PNP sa Kampo Crame, walang nakitang ebidensiyang magpapatunay sa pag kidnap umano sa isang Masaki Cabato Kim matapos ang masusing imbestigasyon.
Tiniyak Zamboanga City Police na nananatiling ligtas ang lungsod at hindi nila hahayaang mangyari ang anumang insidente na maaaring makasira sa kapayapaan sa lugar.
Hinimok din ng Pulisya ang publiko na manatiling kalmado habang patuloy nilang isinasagawa ang mga hakbang upang tiyakin ang kaligtasan sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Jaymark Dagala