P6-M halaga ng marijuana, isinuko sa Southern Police District

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadiskubre ng isang forwarding company ang isang unclaimed parcel na naglalaman ng milyong pisong halaga ng iligal na droga.

Ayon sa pahayag ng Southern Police District (SPD), nadiskubre ang nasabing parcel sa Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City bandang alas-9 gabi nitong Enero 7.

Paliwanag naman ni Police Brigadier General Manuel J. Abrugena, District Director, na ang kanilang operasyon ay bunsod ng isang timbre mula sa isang empleyado ng naturang forwarding company.

Ang nasabing impormasyon umano ang nagbigay daan sa District Drug Enforcement Unit ng agarang aksyon kung saan nakipag ugnayan din ito sa iba pang mga otoridad.

Ayon sa imbestigasyon, limang malalaking balikbayan box na tumitimbang sa mahigit 50 kilo ng dried marijuana leaves na may fruiting tops, ang nakatago sa nasabing mga bagahe.

Dagdag pa ni Abrugena, na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon hinggil sa naturang unclaimed parcel para matukoy kung saan nagmula ito at saan patutungo.

Mahalaga din aniya ang pagkaka diskubre ng nasabing mga parcel dahil naiwasan na makarating pa ito sa merkado at maibenta sa mga illegal drug user. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us