Hindi nakalusot sa Port of Manila ang 404 kilos na shabu, kasunod ng operation ng pinagsanib na pwersa ng NBI, PDEA, BOC At DOJ.
Ang kontrabando na nasa 20 footer container van ay itinago at inihalo sa ilang pakete ng Dried mango na dineklarang noodles at powder.
Ayon sa NBI, nag-ugat ang operasyon sa timbre ng kanilang foreign counter part sa Australia.
Aabot sa 2.7 bilyong piso ang nasabing iligal na droga.
Sinabi ni DOJ spokesperson, Asec. Mico Clavano, ito na ang pinakamalaking halaga ng droga ang nakumpiska ngayong 2025.
5 tao ang naaresto kabilang ang consigne at broker.
Kasong paglabag sa Sec. 4 ng RA 9165 o importation of illegal drugs ang kahaharapin ng mga arestadong suspek. | ulat ni Don King Zarate