Matagumpay na naisagawa ang ika-7 Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa sa West Philippine Sea.
Ito ay nilahukan ng Pilipinas at piling puwersa mula sa Amerika at Canada na layong palakasin ang kooperasyon ng tatlong bansa sa maritime security.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, napansin sa lugar ang presensya ng tatlong barko ng Peopleโs Liberation Army Navy ng China, isang oceanographic surveillance ship, at isang helicopter.
Gayunpaman, hindi ito nakialam sa isinagawang pagsasanay.
Dagdag pa ni Xerxes, mahigpit na sinunod ng mga kalahok na bansa ang mga napagkasunduang protocol at rules of engagement para sa kaligtasan ng lahat.
Nauna namang sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na mahalaga ang nasabing pagsasanay para sa pagpapanatili ng katatagan at seguridad sa karagatan gayundin ang pagpapatatag ng pagtutulungan sa Indo-Pacific Region. | ulat ni Diane Lear