Nakahanda na ang Commission on Elections sa posibleng pagpapaliban ng Bangsamoro Parliamentary Elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, sisimulan na nila ang preparasyon sa pagre-reset ng halalan, sakaling maging enrolled bill na ang panukala.
Kahapon, naaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang Bicameral Conference Committee Report na naglilipat sa petsa ng halalan sa Oktubre, sa halip na kasabay ng midterm elections sa Mayo.
Samantala mananatiling kandidato parin ang mga indibidwal at mga kinatawan ng partido na naghain ng COC noong Nobyembre 2024. | ulat ni Don King Zarate