Ini-ulat ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba sa antas ng mga naitatalang krimen sa bansa sa mahigit 26% ngayong taong ito.
Batay sa datos ng PNP mula January 1 hanggang February 14, bumaba sa 3,528 ang naitalang 8 focused crimes o ang Robbery, Theft, Murder, Homicide, Rape, Physical Injury gayundin ang Carnapping ng motorsiklo at sasakyan.
Mas mababa ito kumpara sa naitalang 4,817 na kaso sa kaparehong panahon noong taong 2024 kung saan, pinakamalaking bumaba ang kaso ng rape na nasa 50.6 porsyento o katumbas ng 623 kaso.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, bagaman madalas maitampok ang ilang krimen sa social media, malaki naman ang naging papel nito sa imbestigasyon, paglutas ng kaso at pagbibigay ng katarungan sa mga biktima.
Kasunod nito, hinikayat naman ng PNP Chief ang publiko na manatiling mapagmatyag, gamitin nang tama ang social media, at aktibong makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala