Kontrolado pa ang sakit na dengue sa Lungsod ng Malabon kahit nakitaan ng maraming nagkakasakit nito.
Ayon kay Malabon City Red Cross Chapter Chairman Ricky Sandoval, bagama’t hindi pa nakakalaarma ang sitwasyon, pinaiigting na sa lungsod ang fogging at prevention measures upang mabawasan ang pagtaas ng kaso.
Mula Enero hanggang Pebrero 15 ngayong taon, nasa 218 na ang naitalang kaso ng dengue at isang bata na ang namatay.
Tiniyak ni Sandoval na sapat ang suplay ng dugo ng PRC sa lungsod na magagamit ng mga nagkakasakit ng dengue.
May surplus pa sila na kayang i-suplay sa Metro Manila at maging sa iba pang lugar sa bansa kung kinakailangan.
Payo pa niya sa mga residente na mag-ingat at ugaliing maglinis sa kapaligiran upang maiwasan ang dengue. | ulat ni Rey Ferrer