Pinangunahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang isang pagpupulong sa Air India executives.
Ginawa ang naturang pagpupulong sa Central Office ng CAAP sa lungsod Pasay para talakayin ang direct air services sa pagitan ng dalawang bansa.
Ayon sa CAAP ang nasabing pulong ay naging mahalagang hakbang para sa pagpapalakas ng bilateral relations at pagpapaganda ng air connectivity sa pagitan ng Pilipinas at India.
Sa nasabing pagpupulong pinunto ng mga opisyal ng CAAP ang mga kinakailangang dokumento, technical specifications, at procedural framework para makuha ang flight approvals.
Kabilang din sa napag-usapan ang proposed routes, flight frequencies, at logistical considerations para matiyak ang maayos na approval process.
Tiniyak naman ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo ang commitment ng kanyang opisina na ayusin ang flight approval process habang pinapanatili ang safety at operational standards. | ulat ni Lorenz Tanjoco