Nabuwag na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang drug den sa Barangay Kagay, Indanan, Sulu.
Sa isinagawang buy bust operation, nahuli ang maintainer ng drug den na si Alyas Alin, 45 taong gulang at sampung iba pang indibidwal.
Sa ulat ng PDEA, bago ang pagsalakay sumailalim muna sa surveillance operasyon ang target na lugar.
Matapos makumpirma ang drug den saka lamang ikinasa ang operasyon.
Nakumpiska sa loob ng drug den ang shabu at marijuana, drug paraphernalia, mobile phone at buy bust money.
Nakakulong na ang mga drug suspect habang inihahanda ang kaso laban sa kanila. | ulat ni Rey Ferrer