Hinikayat ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga household beneficiaries na aktibong makilahok sa eleksyon sa Mayo.
Ipinapaunawa ni Director Gemma Gabuya, ang 4Ps National Program Manager, sa mga benepisyaryo ang kahalagahan ng eleksyon at ang karapatan nilang bumoto.
Hinimok din sila na maging bahagi ng ongoing social media campaign ng 4Ps sa Facebook sa ilalim ng #Botanteng4Ps.
Isinusulong nito ang 3M o ang Magbantay, Maki-alam, at Makilahok sa darating na eleksyon.
Nagbabala rin si Director Gabuya sa 4Ps grantees laban sa paglaganap ng fake news sa panahon ng electoral campaign season. | ulat ni Rey Ferrer