Kinumpirma ni Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Director, PBGen. Nicolas Torre III na nagpapahiwatig nang sumuko ang Police General na napa-ulat na nangibang bansa.
Ito’y matapos madawit sa 990kg ng shabu na nasabat sa Maynila noong 2022 na nagkakahalaga ng halos P7-M.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame, sinabi ni Torre na nagpapadala na ng surrender feelers ang naturang Police General at nagpahayag na handa na nitong harapin ang kaso laban sa kaniya.
Magugunitang 2 Heneral ang nasangkot sa naturang operasyon kabilang na ang hindi pinangalanang Heneral gayundin si retired PBGen. Narciso Domingo na una nang bumatikos sa anito’y gawa-gawang kaso.
Sinabi ni Torre na sa sandaling maka-uwi na sa bansa ang naturang Heneral, bibigyan nila ang nararapat na seguridad para rito upang harapin ang kaso na isang bailable offense.
Samantala, sinabi ni Torre na may sinusundan na rin silang lead sa lokasyon ni Domingo kaya’t hinikayat niya ito gayundin ang iba pang at large na Pulis na harapin na lamang ang kasong isinampa laban sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala