Aabot sa Php 10,277,000 ang halaga ng marijuana plants ang sinira sa Barangay Pitogo, Kalilangan Caluang, Sulu

Ito’y matapos madiskubre ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police, Philippine Army, at Philippine Drug Enforcement Agency.

Tinatayang 11,950 na fully-grown na marijuana plants ang binunot sa lupain na may sukat na 1,950 square meters.
Bigo naman ang mga otoridad na maaresto ang isang Alyas Mahdi na nagtanim at nagmamay-ari ng marijuana plants.
Paliwanag ng PDEA, kahit walang nahuli sa mga salarin,mahaharap pa rin ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Rey Ferrer
PDEA