Inaanyayaham ng PESO – Pasay ang mga residente nito na makibahagi sa Hotel Job Fair sa ika-24 ng Pebrero, 2025 mula 11 AM hanggang 5 PM.
Ang naturang job fair ay gaganapin sa private dining room ng Belmont Hotel Manila.
Pinaalalahanan naman ng LGU ang lahat ng makikilahok na magdala ng updated resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop na kasuotan para sa interview.
Ang naturang programa ay bahagi ng H.E.L.P. Priority Agenda ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano at Barangay Labor Desk – Reload.
Ilan sa mga bakanteng posisyon na iaalok sa job fair ay:
Sales Manager
Digital Marketing Manager
Sous Chef
Chef de Partie – Hot
Commis III
F&B Manager
F&B Associate
Bartender
Engineering Manager
AC Technician
Front Office Associate
Guest Service Associate
Bellman/Valet
Hygiene Assistanr
CCTV Operator
| ulat ni Lorenz Tanjoco