Areastado ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang kandidato sa pagka-Gobernador sa lalawigan ng Guimaras matapos na masangkot sa swindling.
Batay sa ulat ng CIDG, inaresto sa kaniyang sariling tahanan sa Brgy. Sabang sa bayan ng Sibunag ang 65 anyos na kandidato na si Maggie Cacho gayundin ang isa sa kaniyang mga katiwala.
Bukod sa kaniya, arestado rin ang 2 security detail nito na pawang miyembro ng Philippine Coast Guard dahil sa paglabag sa Election Gun Ban.
Sa inisyal na ulat ng Pulisya, naaktuhan si Cacho na tinatanggap ang 400 na libong pisong halaga ng donasyon umano sa Halalan.
Kabilang sa mganakumpiska sa operasyon ay ang 2 kalibre .45 na baril gayundin ng mga bala. | ulat ni Jaymark Dagala