Nais ni PBGen. Anthony Aberin, Acting Regional Director ng National Region Police Office na mas makita ng publiko ang kapulisan.
Ito ang isa sa tinalakay ng heneral sa kanyang 3rd Command Conference kasama ang Command Group, District Directors, at iba’t ibang opisyales sa NCRPO Hinirang Multi-Purpose Hall, Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Nais ni Aberin na magkaroon ng mas makabuluhang community engagement ang kanilang mga kapulisan.
Binigyang diin din ni Aberin ang tamang bihis ng kanyang mga tauhan at ang pagtatalaga ng mga kababaihang pulis bilang desk officers.
Hinimok din nito ang kanyang mga operatiba na pag-ibayuhin pa ang counter-intelligence, case build-up, at mga operasyon laban sa illegal drugs at illegal gambling. | ulat ni Lorenz Tanjoco