Naglabas ng Policy Note ang National Economic and Development Authority (NEDA) upang talakayin ang potensyal ng Artificial Intelligence (AI) sa pagpapalakas ng ekonomiya, pagpapahusay ng serbisyo publiko, at paglikha ng trabaho sa bansa.
Ayon sa NEDA, may kakayahan ang AI na baguhin ang iba’t ibang industriya at sektor ng lipunan.
Sa ilalim ng naturang policy note, tinalakay ang mga pangunahing hamon sa paggamit ng AI tulad ng kakulangan sa imprastraktura, limitadong technical expertise, at mga isyu sa pamamahala.
Binigyang-diin din ang iba’t ibang uri ng AI technologies tulad ng machine learning, deep learning, at generative AI na maaaring magproseso ng datos para sa automated decisions at iba pang layunin.
Sinabi ng NEDA na layon nilang mapakinabangan ng mga Pilipino ang teknolohiyang ito habang tinitiyak ang responsable at epektibong implementasyon nito. | ulat ni Diane Lear